
“Hindi matutumbasan ng kahit ano man ang inyong patuloy na pagmamahal at pagsuporta, Taytayeños!”
Ito ang mensahe ni Taytay Mayor Joric Gacula sa mga kababayan nating walang sawang nakikisa sa mga ginanap na caucus ng Development Team.
Ayon sa alkalde, ang pagmamahal at pagtitiwala na ibinibigay sa kanila para sa kanilang programa at inisyatibo upang lalong paunlarin ang bayan ng Taytay ay kanilang inspirasyon upang panatilihin ang antas ng serbisyo na kanilang nasimulan.
“Magiging tapat kami sa aming sinumpaang tungkulin. Kasama ang #DevelopmentTeam, sama-sama nating ipagpapatuloy ang serbisyong subok na mula noon hanggang ngayon,” ayon sa alkalde.
More Stories
Pinuno ng Japanese Crime Syndicate, Nalambat ng BI sa Pampanga
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms
Bike Lane Barriers sa EDSA, Tahimik na Inalis — mga Cyclist, Nanganganib!