May 7, 2024

EYA LAURE AT UST, SABIK NANG IPAMALAS ANG BAGSIK SA UAAP SEASON 84

Handa na si Eya Laure ng UST Golden Tigresses na ipadama ang kanilang bagsik sa upcoming UAAP Season 84 women’s volleyball. Magsisimula ang nasabing torneo sa Mayo 5.


Sabik na ang UST na muling pumalo sapol nang mahinto ang torneo dahil sa pandemic. Natengga noon ang UAAP season 82 at walang collegiate league noong 2020.


Isa si Laure sa pambato ng UST at itinuturing na star player. Makakasama niya sa line-up sina mainstay Imee Hernandez, KC Galdones at Ysa Jimenez, Janel Delerio.


Papalo din ang mga rookies na sinaAngeli Mariel Bacalso at libero Bernadette Pepito. Gayundin din si Elisha Juliene Apostol at iba pang newcomers sa team.