November 24, 2024

MEMPHIS GRIZZLIES, NILURAY ANG TIMBERWOLVES SA COMEBACK GAME SA GAME 3

Nakabalikwas ang Memphis Grizzlies sa double 20 point-lead upang silatin ang Minnesota Timberwolves. Nilapa ng Grizzlies ang Timberwolves, 104-95 sa Game 3 ng West Round 1.
Kaya naman, tangan na ng tropa ni Jah Morant ang 2-1 sa series. Lubog ang Memphis ng 26 points sa 2nd quarter. Gayundin ng 25 points sa 3:10 sa 3rd. Gayunman, nagawa nilang makahabol at lumamang sa Timberwolves.


Rumatsada ang team ng 37-12 sa fourth quarter. Ang naitala nilang comeback ay pang-apat sa NBA play-off history. Bumida si Desmond Bane sa panalo sa pagbira ng 26 points. Kasama na rito ang 10 boards at 10 assists.


Everybody stayed with it, stayed resilient throughout the whole entire game,” ani Bane. Nag-ambag naman si Jah Morant ng 16 points, 10 assists at 10 boards.


Sa panig naman ng Minnesota, naglista si D’ Angelo Russell ng 22 points at 8 assists. Si Anthony Edwards naman ay lumagare ng 19 points at 7 rebounds.