November 24, 2024

PINGRIS, ITINALGANG KUME NG PILIPINAS SUPER LEAGUE

Itinalaga si Marc Pingris bilang commissioner ng Pilipinas Super League (PSL). Target ng liga na ibuslo ang conference sa March.


Nagmarka ang binansagang ‘ Pinoy Sakuragi’ sa idinaos na jersey retirement noong December 25. Ito’y noong naglaro ang Magnolia at Ginebra sa infamous ‘Manila Clasico’.


Ini-retired ang jersey no.15 ni Pingris, pati na rin ang kay Peter Jun Simon.Kahit retirado na sa pro-basketball o sa PBA, may bago siyang tungkulin.


Naglaro siya sa PBA sa loob ng 16 seasons at nagwagi ng 9 titles. kabilang na ang Grand Slam. Nagalak naman ang 6’4 ex-cager sa ibinigay sa kanyang misyon ng liga.

I’m very thankful for this opportunity at sa tiwalang binigay sa kin ng PSL. Asahan nila na gagawin namin ang lahat para sa liga na ‘to at para mapasaya ang mga fans at mga players,” aniya.