May 1, 2024

GRIZZLIES, PINAPAK ANG NUGGETS, SPURS, BINISTAY NG NETS

Lumagare si Jah Morant ng 38 points para sa Memphis Grizzlies sa panalo kontra Denver Nuggets, 122-118. Kasama na sa inilista ni Morant ang 6 boards at 6 assists.


Kumana naman si Nikola Jokic ng triple-double sa Nuggets. Naglista ito ng 26 points, 12 assists at 11 boards.
Samantala, bumira si James Harden ng triple-double sa big win ng Brooklyn Nets. Nagtala si ‘The Beard’ ng 37 points, 11 ast at 10 rebs sa pagbistay ng Nets sa San Antonio Spurs, 117-102.


Nag-ambag naman si Kyrie Irving ng 24 points, 4 assists at 3 boards. Pukpukan din ang naging laro ng dalawa. Kung saan, palitan ng lead changes. Ngunit, nakaalpas ang Nets sa nnakatakdang pagsilat sa kanila ng Spurs.