Bongga ang sorpresa ng ‘Eat Bulaga’ Dabarkads sa birthday ni Maja Salvador kahapon. Nagdiwang kasi ang aktres ng 33rd birthday nito. Kabilang na si Maja sa bagong ‘Dabarkads’ nagbirthday noong October 5.
Gulat na gulat ang actress-dancer sa natanggap niyang surprice. Kaya, napaluha siya sa tuwa. Nangyari ito habang ginagawa ang ‘DC2021: Maja on Stage’.
Kunwari, in-announce nina Wally Bayola, MJ Lastimosa at Allan K ang ikaapat na grupo na magpe-perform. Ito ay sa finals ng ‘Lick It Challenge’.
Pero, nasorpresa si Maja nang biglang nag-appear sa screen ang kaibigang si Pooh. Gayundin ang half-sister niyang si Jessy Salvador. BInati rin siya ng kanyang mommy at BF na si Rambo Nuñes.
“Surprise talaga! Thank you, Dabarkads! Surprise talaga ha. Thank you po. hindi ko mahanap yung mga tamang words,” sabi ni Maja.
More Stories
DANIEL PADILLA, POKUS MUNA SA TRABAHO AT NEGOSYO
Buwisit na mga netizens sa galit-bati drama… SHARON AT KC, NOON PA NOT IN GOOD TERMS
Hiwalay na nga ba? PAOLO CONTIS, NO COMMENT ANG SAGOT SA PAG-UNFOLLOW SA KANYA NI YEN SANTOS