May 4, 2024

JAKE CUENCA, INARESTO MATAPOS BANGGAIN ANG SERVICE VEHICLE NG MGA PULIS

Inaresto ng operatiba ang aktor na si Jake Cuenca dahil sa pagbangga sa isang service vehicle ng mga pulis. Dakong alas 9:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Mandaluyong.


Ayon sa ulat, di huminto sa pagmamaneho niya si Cuenca matapos bundulin ng SUV niya ang service ng otoridad. Nagkataong nagsasagaw pa naman ng anti-drug operation ang mga pulis noon.


Dahil dito, hinabol ng mga pulis ang sasakyan ng aktor. Na para bagang wala lang sa kanya ang nangyari at tumuloy pa rin sa pagmamaneho.


Naabutan ng rumespondeng pulis ang SUV ni Jake sa Shaw Boulevard. Doon na nila nalaman na ito ang salarin sa pagbangga. Kaya, natiklo ang aktor.


Isasailalim din ito inquest proceeding at maaaring sampahan ng reckless imprudence resulting in damage to property. Wala pang pahayag si Jake sa nasabing insidente.