May 5, 2024

MAINE MENDOZA, PROUD GF SA PAGTAKBO NI ARJO SA POLITICS

Proud GF si Maine Mendoza sa pagtakbo ng kanyang nobyo na si Arjo Atayde sa 2022 national elections. Puntirya ng mahusay na aktor ang posisyong Congressman sa 1st District ng Kyusi. Independent ang inilagay nito na kanyang partido.

“Itong pandemya, ang dami kong na-realize na mga bagay-bagay, and this time, I have to act not as an actor but I have to act bilang serbisyo sa ating mga taga-Distrito Uno,”ani Arjo.
“Magulo po itong pinapasok natin and I’m just very happy that I have a supportive girlfriend,” aniya patungkol kay Maine.


Buweno, malaki ang change ni Arjo na manalo. Suportado kasi siya ng kanyang GF. Tiyan na iboboto siya ng mga fans nila. Banat nga ni Arjo, maglilingkod siya ng malinis sa bayan at sa taumbayan. Dahil kung hindi, gugulpuhin daw siya ng nanany niyang si Sylvia Sanchez.