
Kung fan ka ng NBA team na San Antonio Spurs, kilala mo si coach Gregg Popovich, 71-anyos. Si Popovich o binansagang ‘Coach Pop’ ay naging head coach ng Spurs noong taong 1996 magpa-hanggang sa ngayon.
Sa kabuuan, nagsimula ang coaching career niya noong taong 1973. Bukod dito, tumutulong din siya sa ilang humanitarian work.
Gayundin charities at non profit institution gaya ng San Antonio Food Bank at Innocence Project. Malaki rin ang bahagi niya sa organisasyong ‘ Shoes That Fit’, na nagbibigay ng mga sapatos sa mahigit na 200 estudyante sa Gates Elementary School.
Na nasalanta noon ng hurricane Irma at Maria. Tumutulong din siya sa pagkalap ng pondo para sa J/P HRP, isang disaster relief program.
Nag-o-operate ito sa bansang Haiti at iba pang disaster relief organizations sa US at Caribbean. Sumusuporta rin siya sa mga ipinaglalaban ng mga kababaihan.
More Stories
National Open C’ship sa Kalibo… RAVEN SIKARAN TANAY READY NA SA BAKBAKAN SA AKLAN!
PH WNM Arvie Lozano kampeon sa Laos FIDE Standard Chess tilt
TNT binanderahan ni Almond Vosotros sa 94-70 panalo vs NorthPort