
MALAKING ginhawa sa mga motorista oras na mabuksan ang higit sa 41 km na East-West Road Expressway sa 3rd quarter ngayong taon 2021.
Nagsagawa ng Final inspection si Secretary Mark Villar sa portion ng Amadeo section sa Cavite na may 3 km na bahagi ng 41.67 km na nakatakdang bubuksan sa mga motorista sa susunod na buwan.
Habang ang bahagi ng East-West Road Expressway sa Silang ay bubuksan naman sa 2nd Quarter ngayong taon.
Magiging 30 to 40 minutes na lamang umano ang magiging travel time ng mga motorista mula silang hanggang sa Nasugbu oras na mabuksan ang naturang expressway.
Ayon kay Villar magiging full operation ang East-West Road Expressway mula silang Cavite hanggang Nasugbu sa Batangas sa 3rd quarter ngayong taon 2021 na bahagi pa rin ng ‘Build Build Build’ program ng Duterte administration. (Balita ni RUDY MABANAG)
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC