May 21, 2024

Lone bettor sa Cainta wagi ng P15.8-M jackpot sa 6/49 lotto

NAG-IISANG lotto bettor mula sa Cainta, Rizal ang pinalad na maging milyonaryo dahil sa pagkuha ng jackpot ng 6/49 Super Lotto  na binola noong Martes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay PCSO general manager Royina Garma, hawak ng nasabing mananaya ang winning combination na 49-11-09-17-27-14, na may total jackpot na P15,840,000.

Isinasagawa ang 6/49 draw tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Samantala, 27 mananaya ang nanalo rin ng tig-P50,000 matapos mahulaan ang limang winning number.

Noong Pebrero 18, isa ring mapalad na mananaya sa Porac, Pampanga ang napanalunan ang jackpot ng 6/49 Super Lotto. Naiuwi niya ang P69.2 milyon.