
Kinumpirma ng Government Service Insurance System (GSIS) na ilalabas na nila ang nasa P3.3 bilyong halaga ng cash gifts oara sa mga pensiyonado simula bukas, Disyembre 1.
Sinabi ni GSIS President Rolando Macasaet, na makatatanggap ngayon ang mga pensioners ng Christmas Gift na nagkakahalaga ng isang buwang pensiyon.
Ang mga nakatanggap naman ng higit P10,000 noong 2019 ay matatanggap naman ngayong taon ng P12,600 cash gift.
Kasama sa makatatanggap ng Christmas cash gift ang mga retirado at disability pensioners ng GSIS na regular na nakakatanggap ng buwanang pensyon at nabubuhay pa.
More Stories
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms
Bike Lane Barriers sa EDSA, Tahimik na Inalis — mga Cyclist, Nanganganib!
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA