May 4, 2024

GCQ sa Metro Manila, Davao City, 5 pang lugar ngayong Disyembre

Mananatiling nasa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Sa Talk to the nation ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nitong pinalalawig pa niya ang GCQ hanggang sa katapusan ng Disyembre.

Bukod sa Metro Manila, nasa GCQ din ang Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan at Davao City.

Mananatili naman sa Modified General Community Quarantitine (MGCQ) ang natitirang bahagi ng bansa.