Magtitipon ang mga mamamahayag, opisyal ng gobyerno, at mga personalidad mula sa pribadong sektor para sa ika-9 na Samahang Plaridel–Association of Philippine Journalists Golf Championship na gaganapin sa Nob. 26, 2025 sa Villamor Golf Club, Pasay City.
Ayon kay Samahang Plaridel president Evelyn Quiroz, inaasahan ang mahigit 130 kalahok sa one-day tournament na layuning mangangalap ng pondo para sa mga proyekto ng organisasyon sa 2026.
Si Samahang Plaridel vice president Andy Sevilla ang magsisilbing tournament director para sa taunang palaro, na isa sa mga pinakaaabangang networking at charity events ng media community.
Layunin ng Samahang Plaridel Golf Championship na mapalakas ang samahan ng mga mamamahayag at mapondohan ang mga adbokasiya sa larangan ng press freedom at public service. (Mina Paderna)
