May 18, 2024

3 sangkot sa droga, timbog sa buy-bust sa Valenzuela

ARESTADO sina Michael Dulay, Adrian Dansey, at Rocco Japsay sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police sa P. De Guzman, Barangay Parada, Valenzuela City. (RIC ROLDAN)

TIMBOG ang tatlong hinihinalang drug personalities sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Michael Dulay, Adrian Dansey, at Rocco Japsay.

Batay sa ulat, bandang alas-1:00 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra sa mga suspek sa P. De Guzman Brgy. Parada, Valenzuela City.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa pulis na umaktong buyer kapalit ng isang sachet ng shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na plastic sachets ng hindi pa mabatid na halaga ng hinihinalang shabu, buy bust money, isang kotse Mirage, dalawang cellphone at P2,500 cash.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek.