May 18, 2024

Kaya lumipat na rin ng ibang TV Network… PIOLO PASCUAL, PINABULAANAN MAY GAP SILA NG MANAGEMENT NG ABS-CBN

BINATI ng kanyang mga kasamahan sa industriya si Piolo Pascual, dahil sa bago nitong journey matapos nitong lumipat sa ibang Network.

Last Sunday,  October 18 ay nag-umpisa na ang show ni Papa P sa TV5 ang “Sunday Noontime Live.”

Sinuportahan naman siya ng kanyang mga fans sa bago nitong show sa Kapatid Network at maganda naman ang kinalabasan nito.

Pero totoo kaya na ang dahilan ng paglipat ni Piolo Pascual ay dahil sa gap nila ng management ng ABS-CBN?

Alam naman ng lahat na talagang maka-Duterte ang aktor kaya hirap ito sa kanyang katayuan.

Naniniwala tayo na dahil sa pandemya ay nasolusyunan ang kanyang pangamba sa sitwasyon niya at ng management at pinabulaan nito na wala siyang gap sa management ng ABS-CBN.

Ngayong nasa Singko na si Papa P, tahimik na rin siya dahil wala ng makikialam sa kung saan siya ngayon.

Kung sa bagay, hindi lang naman siya ang lumipat dahil marami sa Kapamilya stars ang sumakabilang-bakod din.

Well, malalaman natin iyan kapag nakabalik na sa normal ang ABS-CBN. Iyan ay kung makababalik pa sila.