NASABAT ng pulisya ang halos P.7 milyon halaga ng umano’y shabu sa dalawang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang high value individual (HVI) matapos maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ponce Rogelio Penones Jr ang District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Dennis Odtuhan sa kanilang masigasig na kampanya kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suapek na sina Alinor Ibra, 27, (HVI) at Abdul Naim Najieb alyas “Toko”, 21, kapwa residente ng Brgy. 188.
Ayon kay PMAJ Odtuhan, dakong alas-11:40 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU ng buy bust operation sa Langit Road, Bagong Silang Barangay. 176, matapos ang natanggap na ulat hinggil sa ilegal drug activity ng mga suspek.
Isang undecover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P7,500 halaga ng droga at nang tanggapin ng mga ito ang marked money kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 100 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P680,000, sling bag at buy bust money na isang P500 bill at 7-pirasong P1,000 boodle money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Commprehensive Dangerous Drug Act of 2023.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA