
PINASINAYAAN ni Mayor John Rey Tiangco ang dalawang bagong renovate na health centers sa Navotas City, ang Phase 2 Area 1 Health Center sa Brgy. NBBS Dagat-dagatan at Tanza Health Center and Lying-in Clinic. Sabi ng alkalde, ang pagkakaroon ng maayos na health center ay isa sa mga daan para patuloy na itaas pa ang antas ng kalusugan ng mga mamamayan. Hinikayat din niya ang mga Navoteño na pangalagaan ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng pagbuo ng magandang habits tulad ng pagkain ng healthy food at pag-eehersisyo. (JUVY LUCERO)
