April 26, 2024

DALLAS MAVERICKS, KINALDAG ANG CLIPPERS SA GAME 1

Nakaisa na ang Dallas Mavericks kontra LA Clippers sa pagsisimula ng NBA playoffs. Kinaldag ng Mavericks ang Clippers sa iskor na 113-103 sa Game 1.

Nanguna sa panalo ng Dallas si Luka Doncic na umiskor ng 31 points. Naglista rin ito ng 10 boards at 11 assists upang itala ang triple-double sa laro.

Umalalay naman si Tim Hardaway Jr. na naglista ng 21 points at 4 rebounds.

Naging susi sa panalo ng Mavericks ang kanilang three-point shooting. Pinahirapan ng Dallas ang Clippers sa first hanggang second quarter.

Nakahabol ang LA sa fourth quarter at lumamang pa. Pero, muling babawi ng Dallas ang momentum.

I hope it’s going to be different this time, I hope it’s not going to be the same story,” ani Doncic.

“I forgot how much fun it was to play in the playoffs.”

Nanguna naman sa Clippers si Kawhi Leonard na bumuslo ng 26 points. Nag-ambag naman si Paul George ng 23.