May 4, 2024

ANDRES MULACH, UMAMING CRUSH SI KATHRYN BERNARDO KAHIT ‘DI SIYA PAPATULAN NITO

IBINULGAR ni Andres Mulach, na since birth ay hindi pa ito nagkaroon ng girlfriend.

Hanggang crush pa lang daw siya, at sina Kathryn Bernado at Barbie Fortiza ang mga crush niyang mga celebrities.

“Hindi pa naman ako naghahanap ng magiging girlfriend ko, hanggang crush pa lang ako. Crush ko si Kathryn Bernado at Barbie Fortiza, hanggang doon lang at hindi naman ako papatulan ng mga iyon.

“Si Andrea Brillantes, dalawang beses siya nag-messages sa akin. Maganda siya, pero mas may bagay na guy para sa kanya. “Sa ngayon career muna ang inaatupag ko, hindi ko priority ang love life at wala pa ako sa puntong iyan,” pagtatapos ni Andres Mulach.