May 5, 2024

PORTLAND TRAILBLAZERS, BROOKLYN NETS, WAGI SA GAME 1 NG NBA PLAYOFFS

Nasilat ng Portland TrailBlazers ang Denver Nuggets sa Game 1 ng 2021 NBA playoffs. Tinambakan ng Blazers ang Nuggets sa iskor na 123-109.

Bumida sa panalo ng Portland si Damian Liliard na gumawa ng 34 points. Nag-ambag naman si CJ McCollum ng 21 points, 6 boards at 3 assists.

Malaki rin ang naitulong ni Carmelo Anthony na nagbuslo ng 18 points, 3 boards.

Sa Denver naman, gumawa si Nikolai Jokic ng 34 points at 15 rebounds. Nag-ambag naman si Michael Porter Jr. ng 25 puntos, 9 boards at 2 blocks.

Sa iba pang laro, nilambat ng Brooklyn Nets ang Boston Celtics sa Game 1 sa iskor na 104-93.

Bumida si Kevrin Durant sa Nets sa pagbuslo ng 32 points. Tumulong naman si Kyrie Irving sa paglista ng 29 points at 6 boards.

Si James Harden naman ay lumagare ng 21 points, 9 rebs, 8 assists at 4 steal.Binuhat naman ni Jayson Tatum ang Celtics sa pagtikada ng 22 points, 5 assists at 3 rebounds.