May 28, 2024

PACQUIAO NAKIPAGKITA KAY TRAIN TO BUSAN ACTOR MA DONG-SEOK

NAKIPAGKITA si dating eight-division boxing champion Manny Pacquiao kay Korean action star Ma Dong-seok nang bumisita ito sa boxing gym ng huli sa Seoul.

Nag-post ng larawan at clips online ang asawa ni Pacquiao na si Jinkee ng kanilang pagbisita sa Big Punch Boxing Club, kung saan mainit silang tinanggap ng aktor.

Kasa-kasama rin nina Pacquiao at kanyang asawa si Ilocos Sur politician Luis “Chavit” Singson.

Bukod sa masayang pakikipag-usap kay Ma, nakita rin ni Pacquiao sina Korean singer Lee Sueng-gi at K-Pop senstation Nancy MacDonie. RON TOLENTINO