May 4, 2024

DANIEL PADILLA, NABAWASAN NA ANG TALENT FEE SA LAHAT NG PROJECTS

TOTOO iyan, na kapag nasira ang image mo bilang isang artista, asahan mong marami ang mag-backout sa mga projects mo.

Noong hindi pa sila naghihiwalay ni Kathryn Bernado, ang taas ng talent fee ni Daniel. Mapa TV commercials, serye at pelikula ay talagang malulula ka sa taas.

“Sa ngayon daw na tapyasan na ang TF ni Daniel Padilla, mapa taping sa serye, sa pelikula at pati na rin sa endorsement na gagawin nito.

“Hindi na rin ganoon ang presyo niya, simula iyan ng maghiwalay sila ni Kathryn Bernado. Malakas lang si Daniel Padilla dahil sa KathNiel loveteam pa sila ni Kathryn.

“Sa pagsama ng kanyang image, maraming advertiser ang umurong at umayaw sa kanya. Dahil lumabas na dino-double cross niya si Kathryn, pati mga movie at serye projects ay mukhang hindi na rin matutuloy,” hinayang na pahayag ni Miss. Bubuwit na aking source.