May 16, 2024

Youtube star Jake Paul, hinamon si Lebron James na maglaban sila sa boxing ring

Markado si Youtube star Jake Paul sa pang-uurat at paghahamon ng legal na away. Ngayon, isa sa target niyang makalaban sa ring ay si Los Angeles Laker superstar LeBron James.

Katunayan, nagpost si Paul sa Twitter na hinahamon niya ang tinaguriang ‘The King’.

Let’s see who the real king of Ohio is? @KingJames,” post ni Paul sa Twitter.

Si LeBron ay tubong Akron, Ohio. Tinaguriang savior at hometown hero nang ihatid sa championship ang Cleveland Cavaliers noong 2016.

Isinilang si Paul sa Cleveland. Tiningala nito si James noong bata pa siya. Ang masidhi niyang paghanga rito ay nauwi sa isang minimithing match.

Ang labanan si James sa ibabaw ng boxing ring. Kamakailan ay naghing biktima nito ang ex-NBA player na si Nate Robinson.

Gayunman, hindi sinagot ni LeBron ang tweet ni Paul. Ayon sa fans, nagpapansin lang ito at lumilikha ng ingay para mapag-usapan.