April 24, 2024

Barangay Ginebra big man Greg Slaughter, ikinasal na

Ikinasal na si Barangay Ginebra player Greg Slaughter sa kanyang long-time beau na si Schinina Juban. Ito’y masungkit ng Gin Kings ang 13-year title drought sa PBA Philippine Cup.

Katunayan, pinost pa ng 32-anyos na si Slaughter ang isang litrato sa Instagram. Kung saan, makikita sila ng kanyang misis na nakasakay sa bridal car.

Si Slaugther na produkto ng Ateneo Blue Eagles at ang La Salle alumna na si Juban ay nagkakilala ilang taon na.

Noong nakaraang taon, engaged na ang dalawa. Ayon sa sources, Si Slaughter na nasa America sapol pa noong January— ay bumalik sa bansa noong October.

Na rito nga ay idinaos ang kanilang kasal ni Juban. Pagkatapos nga ng Game 5 ng PBA finals, inihayag ni Gin Kings coach Tim Cone na nais nilang makuha uli si Greg.

Hindi pa kasi nagre-sign ang tinaguriang ‘Gregzilla’ sa team.