February 24, 2024

Year Ender Sports news headline makers ngayong 2020 Part 1

Matatapos na ang taong 2020. Kaya naman, inilatag ng pahayagang ito ang natatanging pangyayari sa larangan ng sports sa taong ito.

Narito ang mga sumusunod

Pagpanaw ni LA Lakers legend Kobe Bryant dahil sa plane crash

Ikinagulat ng sports world ang pagkasawi ni Los Angeles Lakers legend Kobe Bryant. Kasama sa nasawi sa helicopter crash ang 7 katao kasama ang kanyang anak na si Gianna. Namayapa si Bryant sa edad na 41-anyos.

NBA Bubble at pagkampeon ng Los Angeles Lakers

Sadyang may kapalit ang masamang nangyari. Dahil sa naglaro si Kobe sa Lakers, tila may divine intervention ang pagkampeon ng Lakers.

Sa pangunguna ni LeBron james, ginabayan nito ang Lakers sa ika-17 NBA title.Ito rin ang muling pagkampeon ng Lakers sapol noong 2010.

PBA Bubble at pagkampeon ng Barangay Ginebra San Miguel

Makasaysayan din ang pagkampeon ng Barangay Ginebra San Miguel. Nagkampeon kasi ang Gin Kings sa PBA bubble.

Sadyang history dahil ito ang unang Philippine Cup title sa nakalipas na 13 taon. Isa pa, sa gitna ng COVID-19 pandemic. Nairaos ang PBA bubble na hango sa NBA bubble.