May 16, 2024

WWE WRESTLEMANIA 38, DINALUHAN NG 77,899 CROWD, STONE COLD, WAGI SA MULING PAGKALDAG

Jampacked ang spectators sa idinaos na Night 1 ng WWE Wrestlemania 38 sa Dallas Texas, katunayan, dinaluhan ito ng 77,899 live audience.


Kabilang sa matches sa Night 1 ay ang WWE Smackdown Tag Team Championship. Kung saan tinalo ng magkapatid na Jey ay Jimmy Uso sina Shinsuke Nakamura at Rick Boogs.


Pinahiya naman ni Drew McIntyre si Happy Corbin. Tinalo naman sa isa pang tag team match nina The Miz at Logan Paul sina Rey at Dominik Mysterio.


Nahablot naman ni BIanca Belair kay Becky Lynch ang Raw Women’s Championship. Pinanis naman ng nagbabalik WWE na si Cody Rhodes si Seth Rollins. Nasilat naman ni Charlotte Flair si Ronda Rousey. Kaya, napanatili nito ang Smackdown Women’s Champion.


Panghuli, matapos ang 19 taon, muling lumaban si Stone Cold Steve Austin sa lona. Dinaig nito ang kumopya ng kanyang finisher na si Kevin Owens.