May 5, 2024

CREAMLINE COOL SMASHERS, BIYAHENG FINALS MATAPOS KALDAGIN NG CHOCO MUCHO

Kinaldag ng Creamline Cool Smashers ang Choco Mucho Flying Titans sa 2022 PVL Open Conference semis. Wagi ang tropa ni Alyssa Valdez sa 4 set game, 23-25, 25-19, 25-18 at 25-15 (98-77).


Nanguna sa opensa ng Cool Smashers si Diana Mae Carlos na may 23 points.Si Jema Galanza. naman ng 18 points, 16 attacks, 1 ace at 1 block. Nag-ambag naman si Valdez ng 17 points at 10 naman ang pinaluwal ni Jeanette Panaga.


Sa panig naman ng Flying Titans, lumagare si Kat Tolentino ng 14 points, 9 attacks at 3 blocks. Pumoste naman si Desiree Cheng ng 13 points, 12 attacks at 1 ace.


Dahil sa panalo, bumiyahe na sa finals ang Creamline. Pangalawa na ito sa pandemic era. Noong nakaraang taon, pumalaot din sila sa finals. Kung saan, nabigo sila sa Chery Tiggo Crossovers.