May 5, 2024

CHERY TIGGO, SINAGASAAN ANG BLACK MAMBA SA CLASSIFICATION PHASE

Nakaalpas ang Chery Tiggo Crossovers sa intense game kontra Black Mamba Army sa 2022 PVL Open Conference. Sinagasaan ng Chery ang Black Mamba sa 5 sets, 25-15, 25-20, 20-25. 23-25 at 15-12.
Nanguna si Dindin Santiago-Manabat sa opensa ng Crossovers. Naglista ito ng 32 points mula sa 26 attacks, 3 blocks. Mayroon din siyang 3 aces at 11 excellent receptions.


Ang laban na ito ay bilang classification phase sa Game 2 ng Top 4 teams sa semis sa MOA Arena. Kahit natalo, nananatili ang Army-Black Mamba sa 7th-9th classification phase table. Nagtala ang team ng 4 points.


Kahit nanalo, may 2 points ang Chery Tiggo. Haharapin pa nila ang BaliPure (0) sa Martes sa ganap na alas 3:00 ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan. Kapag nanalo, rerekta sila sa 7th place.