May 19, 2024

WWE DIVA KAIRI SANE, IIWAN NA ANG PAGRI-WRESTLING

Nakatakdang iwanan ni Japanese WWE diva Kairi Sane upang makapiling ang kanyang mister sa Japan.  Bago kumalat ang Coronavirus pandemic, nakatakda ng bumalik sa Japan ang lady wrestler bilang ambassador.

Ayon sa Wrestling Observer Newsletter, plano na talaga ng diva na makasama ang kanyang mister na nangungulila sa kanya; sapol nang huminto sa pagwrestling noong nakaraang Mayo nang magkaroon ng injury sa laban nila ni Nia Jax.

Kaugnay sa kanyang pagbabalik sa Japan, inaasahan ng kanyang fans na doon niya ipagpapatuloy ang pakikipagbuno sa ring.

Si Sane o Kaori Hosako sa totoong buhay ay lumagda WWE noong 2016 at naging NXT star at naging NXT women’s champion noong 2018.

Naging WWE Raw Divas Tag Team champion din sila ng kaibigan at kababayan niyang si current WWE Raw Diva champ Asuka.