May 19, 2024

WBC, in-order na idepensa ni Ryan Garcia ang kanyang title belt kay Javier Fortuna

Inanunsiyo ng WBC na dapat idepensa ni Ryan “Kingry” Garcia ang kanyang interim WBC 135-lb title belt. Ito ay isang mandatory status na dapat nitong harapin si Javier Fortuna.

Ayon pa sa WBC, kung sino ang mananalo sa dalawa ay haharap naman sa mananalo sa pagitan nina Devin Haney at Jorge Linares.

Kamakailan, tinabla no Garcia (21-0-18 KO’s) ang title shot laban kat WBC lightweight champion na si Haney.

Una nang sinabi ni Garcia na wala siyang interes labanan si Fortuna. Sa halip, nais nitong harapin si Gervonta ‘Tank’ Davis.

Kung aayawan ni Garcia ang laban kay ormer WBA super featherweight champ na si Fortuna (36-2-1, 25 KO’s), kikilos rito ang WBC.

Maaaring tanggalin sa kanya ang interim WBC belt. Kapag bakante na ang title, saka ilalatag ng WBC kung sinong boxers ang magtatapat para rito.