Sobrang pulitika at pamumulitika, sanhi ng korupsiyon at pagbagsak ng Pilipinas.
Ito ang pinangangambahan ng mga ordinaryong Pilipino gaya ng inyong lingkod.
Kung dangan mga Cabalen, ang walang tigil na bangayan sa pulitika ang sanhi ng patuloy na pagbagsak ng ating ekonomiya. Tila parang nasa ilalim pa rin tayo ng kolonisasyon.
Akala ba natin mga Cabalen na tapos na ang panlulupig sa ating bayan? Tayo’y nagkakamali, sapagkat, Pilipino mismo nanlulupig sa kanilang kababayan.
Ang paniniil sa ating karapatang mabuhay ng normal at masagana sa ating sariling bansa ay hindi natin nakakamit, dahil sa pagiging sakin ng mga pulitiko at namumuno sa ating bansa.
Sila ang mga pamilya ng pulitiko na patuloy na naghahari at nag-aaway away sa puwesto upang hindi mabitawan ang kapangyarihan at karangyaan kahit pa ang resulta nito ay kahirapan ng bawat Pilipino.
Walang tigil na bangayan, siraan at pag-abuso sa kapangyarihan ang dahil ng pagkalugmok sa kahirapan. Isa man sa mga pulitikong ito ay walang ginawa para makaahon sa hirap ang mga Pilipino.
Nagdeklara si Vice President Sara Duterte ng kanyang pagtakbo ng pagka-pangulo sa 2028 national election. Kahit lubhang napakaaga pa.
Para kalabanin si Pangulong BBM. Maliwanag ito na mas madadagdagan pa ang bangayan sa pagitan ng dalawang kampo!
Tama! Mahiya kayong lahat sa mga Pilipino na lagi na lamang naiipit aa sigalot ng mga pulitikong swapang sa kapangyarihan.
Ang Senado wala naman naitulong para makulong ang mga tunay na may pakana ng maanomalyang flood control project.
Hanggang ngayon walang nakulong sa mga pasimuno nito. Nagrekomenda ng mga kakasuhan pero hindi binanggit man lamang ang mga tunay na may pananagutan!
Sino mang presidente ang maupo, wala man lamang nagawa upang bumuti ang kalagayan ng mga Pilipino.
Ang mga hindi kabilang sa administrasyon, ipinakukulong at inaalisan ng biyaya.
Alam nating hindi pa yan ang katapusan ng benggahan. Dala pa din ang sumbatan at pasakita sapagkat wala sila pakialam sa taong bayan. Ang alam lamang nila ay magpayaman at makinabang sa perang galing sa kaban.
Itong si DILG, sa halip na tumulong sa lokal na pamayanan, pinatulan at inuna ang Bureau of Fire Protection.
Ang daming krimen sa bansa bakit hindi yun ang pikialaman. Sa bansang ito ang inuuna ay pansariling kapakinabangan, hindi ang kapakinabangan ng mga Pilipino.
Hanggang kailan titiisin ng mga Pilipino ang pagdurusang ito mula sa mga pulitiko at mga namamahala ng bansang ito. Sana matuto na tayo. At kasiyahan nawa tayong lahat ng Panginoon.
