May 19, 2024

VSGA, NAGSAGAWA NG COMMUNITY PANTRY PARA SA MGA CADDIES

Nagsagawa ng community pantry ang Veterans Seniors Golfers Association o VSGA bilang tulong sa mga caddies ng Veterans Memorial Golf Course.

Ito ay para matagunan ang pangangailangan ng mga caddies na pansamantalang nawalan ng trabaho. Bunsod ng ipinatutupad na MECQ sa Metro Manila.

Dahil sa restriction, wala munang laro ng golf sa Veterans Memorial Golf Club sa Project 6 sa Mindanao Avenue. Gayunman, hindi pinabayaan ng pamunuan ng VSGA ang kanilang mga tao.

Katunayan, nagsagawa ang pamunuan ng VSGA ng community pantry nitong nakaraang Lunes. Kaya naman, laking pasasalamat ng mga caddies sa natanggap na biyaya.

Ang proyektong ito ay naikasa sa pamumuno ni VSGA President Rudy Alcantara. Gayundin si Joe Estrevillo na siyang nangolekta ng mga ipamamahaging items.

Kabilang na rito ang bigas, de lata, noodles, biskwit, prutas, gulay at iba pa. Nagpapasalamat naman si Veterans Golf Course General Manager Edgardo Saporsantos sa ayudang ibinagi ng VSGA.