Kinumpirma ng saksi sa impeachment case na si Ramil L. Madriaga ngayon Martes na mismong si Vice President Sara Duterte ang nag-utos sa pamamagitan ng tawag sa telepono na dalhin ang milyon milyong perang winidraw mula sa confidential funds.
Ito ay base sa 24-pahinang sworn supplemental affidavit, kung saan sinabi ni Madriaga ang operasyon ay nagsimula sa direktang tawag mismo ni Duterte umaga ng Disyembre 20, 2022.
“In the morning of December 20, 2022, Sara called me and she said ‘Sir Ram, please coordinate with Col. [Dennis] Nolasco. Meron tayong deliver sa San Pablo, Laguna, sa Nightstrip, at sa Ombudsman,’” saad ni Madriaga sa kanyang affidavit.
Sinabi din ni Duterte kay Madriaga, “bawal tayo sa kanila,” bago magpadala ng text message kung saan delivery points at kontak.
Pagkaraan ay binigyan siya ng utos ni Col. Dennis Nolasco, na isa umano sa kanyang pinakamagaling na estudyante sa Presidential Security Group (PSG) at lumaon ay sa Vice-Presidential Security and Protection Group, na dumiretso sa Department of Education (DepEd) Central Office sa Pasig City katabi ng Ultra ala-1:30 ng hapon para sa “transport” ng duffel bags ng salapi.
“Ang transport short-hand sa delivery o transportation ng malaking halaga ng salapi mula kay Col. Nolasco at ako, sa utos ni Sara,” ayon kay Madriaga.
Nagpunta si Madriaga DepEd compound kasama si Richard Peralta Babagay, Arman Villanueva, isang “Chief,” at “Roel/Noel.”
Si Richard ang nagmaneho ng asul na Toyota FJ Cruiser, at si Arman, Roel/Noel at Chief ay dumating sakay ng Toyota Grandia namay sticker “INDAY SARA CHAMPORADU30” sa bawat gilid.
Naghintay sila malapit sa main entrance ng DepEd, at sinabi ni Nolasco na isang pulang Mazda sedan ang gagamitin sa isa pang delivery kung saan nakita nila pagkatapos ang pagpasok ng red plate na sasakyan sa gate ng compound.
“At around past 3:00 or 4:00 p.m., two (2) government vehicles, with red plates, entered the DepEd compound and then Col. Nolasco told me ‘ayan na, ayan na, ayan na,” ayon kay Madriaga.
Lumutang din si Col. Raymund Dante Lachica, na hepe ng Vice-Presidential Security and Protection Group, kasama ang isang babae na kinilala na si Gina Acosta, Special Disbursement Officer.
Pagkaraan ay apat na malalaking bag ang ibinaba sa mga sasakyan at sinabihan si Madriaga ni Nolasco na ang bawat bag ay may lamang P30,000,000 hanggang P35,000,000.
Hinati ang apat na bag sa mga sasakyan kung saan ang dalawang malalaking bag ay isinakay sa Toyota Grandia at pumunta sa Laguna at Nommu Basho sa Tomas Morato, Quezon City.
Ang iba namang bag ay isinakay sa isang asul na Toyota FJ Cruiser at pagkatapos ay inilipat sa pulang Mazada. (KARLO GARCIA)
