May 3, 2024

Volleyball personnel, niregaluhan ng bagong bike ni Alyssa Valdez

Isa na namang ‘act of generosity’ ang ipinamalas ni volleyball star Alyssa Valdez. Katunayan, binigyan nito ng bagong bike ang volleyball league personnel.

Ipinakita ng tinaguriang ‘The Phenom’ sa kanyang Instragram post ang isang video tungkol, dito.

Kung saan, sinorpresa niya ang ball retriever na si Loy na bigyan ng brand new bicycle. Naikasa ang surprise gift sa tulong ng ‘Bisikleta Manila’.

Alyssa Valdez Instagram photo

 “Dahil ‘Ber months na, magbibigay naman tayo ng kasiyahan sa mga kasamahan natin sa volleyball,” ani ng Creamline Cool Smashers star.

https://www.instagram.com/tv/CFwr7tdj4U9/?utm_source=ig_web_copy_link

Ayon kay Alyssa, si Loy ay isa sa naapektuhan ng pandemic sapol nang ipagbawal ang torneo gaya ng PSL.Umaasa si Valdez na makatutulong ang bike kay Loy, lalo na sa temporary work nito habang may pandemya.