May 19, 2024

Viral photo ni Piolo Pascual at umano’y boyfriend, fake!

SIMULA nang magpasabong si Bb. Gandanghari ng kanyang mga lihim with Piolo Pascual, ay mas pinili ni Papa P., na manahimik na lamang. Naglaho ang pasabong ni Bb, kay Papa P. Pero heto na naman ang bagong viral chika na kumalat sa apat na sulok ng ka-showbisan — ang photo ni Piolo kasama ang umanong boyfriend na isang foreigner.

Pero sa mga kuha ng dalawa, mukhang edited naman ang pictures. Kaya dedma pa rin si Piolo, at nanatiling tahimik dahil halata namang ‘fake’ ang mga nasabing photo na kumalat sa social media.

 Kung inyong paniniwalaan, isa itong kasiraan sa parte ni Piolo. Pero dahil hindi nga ito totoo, sana raw ay tumigil na sila sa paninira nila sa aktor.

Ang kutob ng marami, dahil sumusuporta si Piolo sa Pangulong Duterte kaya ngayon ay sinisiraan siya. Pero kahit siraan pa siya, marami pa rin naman ang hindi naniniwala at marami pa rin sa mga fans niya ang patuloy na mahal siya at patuloy nilang tinatangkilik ang kanilang idolo. Wala raw silang pakialam, basta ang suporta at paghanga nila kay Piolo ay palaging nariyan.