May 14, 2024

KRIS AQUINO, BALIK GMA-7 NA NGA BA?

BINIGYAN ng title ang Queen of all Media na si Kris Aquino ng Shopee, at ito nga ay ang ‘Shopee Kween.’

Si Kris kasi ang tumatayong kanilang endorser sa ginanap virtual media launch, at lalabas na siya sa isang TV station na hindi pa binabanggit ang pangalan ng nasabing network.

Ang sabi ni Kris, makakabalik daw siya sa nasabing TV station. Doon daw sa TV station na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na siya ay makalabas.

Pero ang GMA-7 lang naman ang gumawa noon sa kanya, at naging co-host pa nga siya ni German Moreno.

So, malinaw na hindi sa ABS-CBN o sa TV5 siya mapapanood ng kanyang mga tagahanga.

Ayon pa rin kay Ms. Kris, maniniwala lang daw siya kapag-umeere na siya sa nasabing TV network. Nadala na  pala siya, kaya tama rin naman ang kanyang tinuran.

Masayang-masaya ang mga friends at mga tagahanga ni Kris Aquino, dahil muli na siyang mapapanood sa TV. Ito na kaya ang hudyat nang muling pagkinang ng bituin ni Kris?

Matagal din naman siyang nawala sa sirkulasyon, pero heto at muli siyang bumabalik ngayon.

Ganuon pa rin kaya ang pagtanggap sa kanya ng madlang pipol?