May 16, 2024

Usap-usapan na sa showbiz… SARAH GERONIMO, KAPUSO NETWORK NA NGA BA?

MALAMANG nakapirma na nang kontrata si Sarah Geronimo, sa ilalim ng GMA 7 Kapuso Network kung under na nga siya ng nasabing network. Ang Viva Entertainment kasi ang nangangasiwa sa kanyang showbiz career, kaya walang problema kung lumipat man ito.

“Hindi nga namin sukat akalain na pwede pala iyon na makalipat agad siya. Dahil shutdown na rin naman ang inalisan niyang network, good sign lamang ito na patuloy pa rin ang kanyang pamamayagpag sa mundo ng showbiz. Malaking tulong ang pananahimk niya, kaysa sa pagiingay sa kalsada. Napanatili niya ang good image na kanyang iniingatan, kaya tanggap na tanggap siya ng Kapuso Network.

“Masaya ang mga fans ni Sarah Geronimo, dahil hindi ito tinanggihan ng GMA 7. Maganda ang kanyang TV network na napasukan, dahil walang duda na lagi namang number one ang Kapuso Network. Kaya iyong ibang kasabayan niya ay asar at inis sa kanya, dahil tanggap na tanggap nga ang singer-actress,” pagmamalaki pa ng aking kausap.

Sa puntong iyan, tama lang at hindi nakisimpatya si Sarah Geronimo para mag-ingay at mag-rally sa kalsada, sa halip tahimik siyang sumuporta sa dati niyang network. Kaya naman, good karma ang kanyang inabot.