May 16, 2024

Sinamantala ang pananahimik… AYON KAY GERALD ANDERSON, WALANG IBANG TAO NA SANGKOT SA BREAK UP NILA NI BEA ALONZO

PINILING manahimik muna ni Gerald Anderson, tungkol sa mga naglabasang isyu na may third party raw kaya nag-break up sila ni Bea Alonzo. At ang naipit ay si Julia Barretto, na lumabas na sulutera ang actress sa kanilang relasyon.

“Kung totoo itong pag-amin niya, bakit ngayon lang siya nagsalita? Hinayaan muna niyang may masaktan na, hindi naman dapat. Ano ito, kumukuha siya nang simpatya, para palabasin na si Bea Alonzo ang may sala at dahilan ng kanilang paghihiwalay? Umaasa siya sigurong patay na ang isyu kaya umamin at nagbigay na siya ng side niya.

“Kahit itama niya ang lahat, nasa isipan na ng mga tao na isa siyang palekero at papalitpalit ng babae kapag hindi na niya ito mahal. Ano ito, nag-iingay siya para muling magpapansin, dahil matagal na rin siyang nawala sa sirkulasyon kaya umamin na siya o siniwalat na niya ang lahat-lahat tungkol sa break up. Mga fans lang niya ang maniniwala sa kanya,” reklamo ng aking kausap.

Parang may point din naman si Gerald Anderson, pero bakit ngayon lang siya nagsiwalat nang totoong nangyari?