May 16, 2024

Suportado raw ng kanilang mga fans… ALDEN RICHARDS AT KATHRYN BERNARDO, MULING MAGTATAMBAL?

KUNG matutuloy ang tambalang Alden Richards at Kathryn Bernardo, mabreak kaya nila ang kita ng pelikula nilang ‘Hello, Love, Goodbye’? 1 bilyon daw ang kinita nang nasabing pelikula, kaya naman sila talaga ang nakapagtala ng bagong Box-Office King and Queen.

“Milagro dahil sa COVID-19 pandemic, kikita pero hindi na iyan magiging box office records na gaya ng dati. Down ang movie industry. Sana nga makabangon dahil na-miss ng mga tao ang tambalang Alden Richards at Kathryn Bernardo. Maging ang bawat kampo ay excited na muli silang magkatambal sa isang pelikula.

“Kung maganda ang project tiyak na susuportahan ng publiko, at matagal na rin naman nilang na-miss sina Kathryn at Alden. Sana nga makagawa silang muli ng isang pelikula, dahil matagal ding nasabik sa tambalan nila ang kanilang mga followers. Pero huwag na muna sa ngayon, baka maapektuhan lang ang kanilang tambalan.”

Totoo iyan. Habang may Covid pandemic, sira ang kasikatan ng lahat ng artista. Dahil lahat sila ay hindi makapag-shooting o makapag show.