May 14, 2024

Karma raw ang inabot… MGA NEGOSYO NI JENNYLYN MERCADO, NALULUGI NA

HINDI sukat akalain ni Jennylyn Mercado, na maaapektuhan ng COVID pandemic ang kanyang showbiz career. Pati na rin ang kanyang dalawang negosyo at unti-unti na rin itong naaapektuhan.

“Lito ngayon ang sitwasyon ni Jennylyn Mercado, maging ang kanyang showbiz career ay talagang naapektuhan sa Covid pandemic na dumating sa atin. Maging ang kanyang show ay pansamantalang nahinto, kaya naman pati siya ay apektado na rin sa mga nangyayari.

“Maging ang dalawa niyang negosyo na spa-salon na Fit and Form Club at ang cat cafe na Litterbucks, dahil sa existing pandemic at talagang naapektuhan na ang mga Ito. Hindi niya mabigyan nang desisyon, kung isasara na niya ito, dahil naaawa siya sa kanyang mga empleyado na mawawalan ng trabaho.

“Alam niya na halos lahat ng kanyang empleyado ay pawang mga breadwinner, naaawa siya kung isasara na niya ba o hindi. Kaya habang kaya niya ay tumatanggap pa rin sila ng sweldo, kahit hindi na gaanong kumikita ang kanyang mga negosyo. Basta ayon sa kanya, ipinapasa Dios na lang niya ang lahat.”

Hindi naman karma iyang inabot ni Jennylyn Mercado, nagkataon lang na may pandemic kaya nagkaganyan ang sitwasyon ng kanyang mga negosyo.