May 15, 2024

‘Di raw nagparamdam sa shutdown ng ABS-CBN… DAHIL LAOS NA RAW, GERALD ANDERSON NAWAWALA NA SA SIRKULASYON

HINDI nakatulong ang serye niyang ‘A Soldier’s Heart,’ kahit anong husay nang acting na kanyang ipinakita ay hindi ito nakatulong para mapaangat muli ang kanyang showbiz career. Damangdama ang pagiging matamlay nito kaya nawawala na siya sa sirkulasyon.

“Bad impact kay Gerald Anderson, ang ginawa niyang ‘ghosting isyu’ kay Bea Alonzo. Talagang tumamlay ang kanyang career, dumating pa ang COVID pandemic na lalong hinatak siya sa pagiging laos. Floating ngayon ang sitwasyon ni Gerald, at isa rin siya sa mga artistang nawalan ng trabaho.

“Malaki ang nawala sa side ni Gerald Anderson, exposure at show. Maging ang teleserye niya sa telebisyon ay nahinto, nawala na rin ang appeal niya sa publiko kaya ganuon din kabilis ang kanyang pagbagsak. Marami ang nagsasabi na kaya minalas si Gerald, at hindi ito nakisimpatya sa shutdown ng kanilang TV network.” Maibalik pa kaya ang ningning ng pagkabituwin ni Gerald Anderson? Pati ang kanyang appeal sa publiko, mukhang nawala na rin.