May 19, 2024

UNRELEASED SONGS NI MICHAEL JACKSON, ISASAMA SA PLANONG NEW ALBUM NG “THE JACKSONS’

Kahit wala na sa mundong ito, mapapakinggan ang unreleased songs ni Michael Jackson ngayong taon. Ayon sa kapatid ng ‘King of Pop’ na si Tito, balak ng kanilang pamilya na maglabas ng album.


Aniya, balik recording sila sapol nang tumigil noong 1989. Kasama sa gagawing album ang iba pang materyales ng kanilang kapatid na si Michael. May mga ilang kanta o nai-record pa si Michael sa studio na hindi nailabas.


It would be so pleasing to be on a record with Michael once again,” saad ni Tito. Na kamakailan ay nasa UK at nagtanghal kasama ang ‘The Jacksons’ sa Happy Days Festival sa Surrey.


Anything that would work we would be willing to give a try and see what happens.”
It’s definitely a brilliant idea. We’re thinking about doing something, so hopefully that will come to fruition,”
dagdag pa ni Tito.