May 10, 2024

SANYA, BARBIE, GABBI AT KYLINE, HINDI NABABAKANTEHAN NG PROJECTS

Lagare ang ilang Kapuso actresses sa kani-kanilang bagong shows ngayong taon. Nitong nakalipas na mga buwan, hindi nawawala sa eksena ang mga ito. Kahit mapaluma o remake o bago, visible pa rin sila sa telebisyon.


Kaya, hindi sila nawawala sa limelight. Kabilang na sa kanila sina Sanya Lopez, Barbie Forteza, Gabbi Garcia at Kyline Alcantara.


Kamakailan ay bumida si Sanya sa ‘First Yaya’ kaambal si Gabby Concepcion. Ngayon naman ay nakatakda siyang mapanood uli katambal si Ken Chan sa Regal Entertainment Presents. Ganun din si Gabbi Garcia na makakatambal naman ang real life boyfriend nito na si Khalil Ramos. May ood show din siu Gabbi sa GTV na IRL.


Si Barbie naman ay bumida sa isang episode ng ‘I Can See You’. Ngayon naman ay bida siya sa episode ng ‘Daig Kayo ng Lola Ko’ na ‘Captain Barbie’. Sa Kyline naman ay may upcoming projects sa Kapuso Network. Kaya, di nababakante.