September 9, 2024

TIPS PARA MAGMUKHANG BATA KAHIT EDAD 40’S TO 50’S NA

Ikaw ba ay may edad na sa pagitan ng 40’s to 50’s? Malakas ka pa rin ba? May nararamdamang ano sa katawan? Nananatili pa rin ba ang iyong youthful radiance? Gusto mo bang manatiling mukhang bata kahit nagkaka-edad ka na?


Well, may mga salik na sumasaklaw tungkol sa edd at katawan ng tao. Nagtataka tayo kung akit ang iba ay mukhang bata kumpara sa kanilang edad. May mga sikreto ba sila? Wala naman talaga kung tutuusin. Nasa kinakain lang at paggawi sa araw-araw.


Huwag tayo basta-basta maniniwala sa tips ng iba na dapat kainin para mahing youthul ang dating. Kasi, ang ibang pagkain ay wala dito nun sa atin. Kung meron man, pahirapan ang paghahanap.


Ang kailangan lang sa pagkain at gawi sa pagkain ay maisagawa ng tama. Dapat pili ka sa kinakain. Mabuting kumain sa umaga ng complete meal. Prutas at gulay. Pwedeng kumain ng kanin o sinangag. Basta sasamahan ng prutas at gulay at isda.


Alalay na lang sa tanghali at gabi. Malaki kasi ang epekto ng timbang sa hitsura at katawan ng isang tao. Nagmumukhang matanda ang obses o mataba. Gayundin ang sobrang payat. Dapat tama lang.
Kumain ng mga prutas na kulay lila o violet, papaya, avocado at kamote.Samahan mo na rin ng nuts. Dapat sa isang linggo ay nakakain ka ng gayung foods.


Magkaroon ng sapat na tulog. Ok na ang 7-8 hours. Iwasan ang pagpupuyat at stress. Ugaliing ngumiti at maghilamos bago matulog. Umiwas sa mga taong barubal at baka mapadali ang buhay mo.


Iwasan ang sobrang bisyo gaya ng pag-inom at sigarilyo. Alalay lang dapat. kasi , may mga umiinom at naniigarilyo na mukhang bata.

Mag-ehersisyo ka rin mga 3-4 times a day sa loob ng 10-30 minutes. Ok na yan. Higit sa lahat, magkaroon ng kaugnayan sa Diyos. Always pray.