May 7, 2024

JILLIAN WARD, KAHIT 18 YEARS OLD NA ‘DI PA RIN PWEDENG LIGAWAN

HINDI pa daw talaga pwedeng ligawan si Jillian Ward kahit sabihin pang tumuntong na ito sa 18 years old.

Dalagang-dalaga na si Jillian, pero bilang masunuring anak ay hindi pa ito tumatanggap ng mga lalakeng manliligaw sa kanya.

“Pokus muna ho ako sa aking Showbiz career, marami pa kasi akong gustong matupad. Kung uunahin ko ang buhay pag-ibig, masisira lahat ng pangarap kong unti-unti nang natutupad.

“Time will come, basta sa tawag ng pag-ibig kaya naman hindi ako nagmamadali. Hanggang crush pa lang ako at akin na lang iyon, basta ako pag-nasa right age na pwede na akong ligawan.” Hayan guy’s, konting panahon na lang pwede n’yo ng ligawan si Jillian. Lahad pa ni Miss. Bubuwit na aking source.