May 7, 2024

FRANCINE DIAZ AT SETH FEDELIN, BAGONG KATHNIEL LOVETEAM?

UMALMA ang mga fans nina Kathryn Bernado at Daniel Padilla na KathNiel loveteam, dahil hindi raw magiging sikat gaya ng KathNiel ang tambalang Franseth loveteam.

   Ang katwiran naman ng FranSeth fans, wala na raw ang KathNiel kaya dapat ng pumalit ang FranSeth loveteam para bagong tatayong loveteam ng taon.

   “Kung mahihigitan nila iyong nagawa ng KathNiel loveteam, pwedeng sabihin natin na pwede nga ang FranSeth, kaso wala pa silang napatunay na gaya ng nagawa ng KathNiel loveteam.

   “May movie ba silang naging blockbuster? Nagkaroon na ba sila ng mga acting awards? May marami ba silang endorsement na tinatangkilik ng madlang pipol? Kung meron sila niyan, pwede siguro.    “Huwag na silang mag-ilusyon, dahil kahit kailan ay hindi nila mararating ang narating ng KathNiel loveteam kahit nagkaroon ito ng malaking problema.” Sambit pa ng aking source na si Miss. Bubuwit na aking source.