May 9, 2024

OLIVER MOELLER, INSTANT CELEBRITY NA AGAD DAHIL SA ‘IT’S SHOWTIME’

MALAKI talaga ang naitulong ni Meme Vice Ganda sa show nitong ‘It’s Showtime,’ dahil kung hindi napili ni Michelle Dee sa ‘Expecially For You’ segment na maging ka-date malamang na walang Oliver Moeller na isa ng instant celebrity.

“Pumirma na ng management contract sa Cornerstone Artist itong si ‘hearttrob lawyer na si Atty. Oliver Moeller, kaya asahan ng maliking project ang kaagad na gagawin nito.

“Ang isa pang naging dahilan kung bakit siya kinuha ng Cornerstone Artist, ay dahil sa kilig factor na hawig siya kay Piolo Pascual, tapos gumawa pa ng ingay itong si Michelle Dee ng burahin niya ito sa kanyang social media account.

“Pero mas nagpakilig sa lahat at sa management ng Cornerstone Artist, ay nang ilink ito kay Kim Chiu. Maski si Kim ay masayang-masaya at maykilig factor din pati narin ang odience at mga televiewers.

“Ngayong ganap ng artista si Atty. Oliver Moeller, ang malaking tanong ay mapabilang naman kaya siya sa mga bigatin nating mahuhusay na actor?” tanong ng aking source na si Miss. Bubuwit.