May 9, 2024

ICE AT LIZA DINO SEQUERRA, ‘DI PARIN TANGGAP ANG KASAL NILA SA PILIPINAS

KAHIT masayang buhay may asawa ang katayuan ngayon nina Liza at Ice Sequerra, halata silang mag-asawa na dama nila na dito sa Pilipinas ay hindi pa rin tanggap ang kanilang relasyon.

“Kaya nga sa State kami nagpakasal, doon kasi tanggap ang relasyong gaya ng sa amin ng asawa kong si Liza Dino.

“Ang isa sa masakit na aking naranasan, nag-aapply kami ng business permit. Dapat daw ang iti-tick ko sa box ay ‘single,’ sabi ko sa sarili parang may mali.

“Ang Alam ko may asawa ako, bakit single? Proud akong may asawa ako at mahal na mahal ko ang asawa ko tapos ganuon.

“Hirap na hirap akong i-tick iyung box, hindi ako single eh at alam kong may asawa ako. At bakit kailangang single ko i-tick?” maluhaluhang pahayag ni Ice Sequerra.