Photo: Atty. Ruphil Fernandez Bañoc
Karumal-dumal ang sinapit ang isang masiyahing administrative officer ng Bohol Island State University (BISU)-Candijay Campus matapos itong matagpuang walang buhay, nakagapos at nakasilid sa sako.
Kinilala ang biktimang si Dexter “Dex” Timbal Hinayon, 33, na dalawang araw nang pinaghahanap ng kanyang pamilya at kilala sa kanilang pamayanan sa bansag na “Mr. Smile.”
Ayon kay Major Joseph Lopena ng Bohol Provincial Office, naging susi sa paglutas ng krimen ang cellphone ng biktima na narekober ng kanyang pamilya sa Kusina Nitibo Restaurant.
Dahil sa conversation sa naturang cellphone, mabilis na natukoy gn Candijay Police ang kinalalagyan ng bangkay at ang pagkakakilanlan ng suspek na kanyang mismong 18-anyos na pamangkin na si Jesse Requiz.
BASAHIN: 2 kelot na nangholdap sa Moroccan national nasilo ng QCPD
Nabatid na sinakal ang biktima matapos magalit ang suspek nang P1,000 lamang ang ibinigay nito gayung P2,000 ang hinihingi nito.
Pinuntahan ng mga awtoridad ang suspek sa pinapasukan nitong paaralan at sa gitna ng imbestigasyon ay pormal itong umamin sa nagawang krimen.
Nagdadalamhati ngayon ang buong BISU-Candijay community at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng biktima.
Nahaharap ngayon sa kasong Murder ang nakakulong na pamangkin.
